Isa patay sa banggaan ng van at pick-up sa Bgy. Sta. Lucia

Kinumpirma sa Brigada News FM ng kaanak na isa ang namatay sa nangyaring banggaan ng shuttle van at Toyota Hilux sa Bgy. Sta. Lucia, Puerto Princesa City kahapon, February 13, 2022.

Ang binawian ng buhay bandang alas-diyes kagabi sa Ospital ng Palawan ay si Jona Padama, 16 anyos, grade 10 student.

Nagtamo si Jona ng bali sa binti at sa balakang at sugat sa ibang parte ng katawan matapos ang aksidente.

Isa ang biktima sa mga isinugod kahapon sa Ospital kasama ng iba pang pasahero na sakay ng pampasaherong van kahapon.

Samantala, hindi pa ngayon nasisilayan ng magulang si Jona dahil ito ay nasa saudi, ayon sa isang tiyahin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *