Isa, patay sa paglubog ng bangka sa Romblon

Isa na ang kumpirmadong patay sa isa na namang bangka na tumaob at lumubog sa bahagi ng Romblon.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na butas sa bangka ang dahilan ng paglubog nito.

Ayon kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda, ang naturang MB Sto. NiƱo pump boat ay lumubog sa bahagi ng Simara Island.

Nagmula umano ito sa bahagi ng Calatrava, sakay-sakay ang nasa 95 indibidwal na pawang mga kabataan.

Sila ay galing sa isang summer youth camp sa Four Square Gospel Church.

Kung maaalala, sa loob lamang ng dalawang linggo – ito na ang ikatlong insidente ng pagtaob at paglubog ng bangka sa ating mga katubigan.

Noong nakaraang linggo, lumubog at tumaob ang isang motorbanca sa Binangonan, Rizal na ikinasawi ng halos 30 indibidwal; habang kamakalawa naman nang lumbog ang isa pang motorbanca sa bahagi ng Quezon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *