Isa patay sa Pertussis sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- 12 na ang kaso ng pertussis sa Camarines Sur ang isa rito ay nasawi base sa record ng Department of Health- Bicol.

Lima na sa mga kaso ay Laboratory Confirmed habang ang 7 naman ay Clinical case. Ayon sa DOH, ang pertussis, na kilala rin sa mga tawag na whooping cough, ubong dalahit at tusperina, ay lubhang nakakahawa at nakamamatay sa mga sanggol. Kabilang sa sintomas ay sipon, lagnat at ubo na tumatagal ng 1-2 linggo.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Lupi Municipal Nutrition Action Office Rex Chavez, na bukod sa paulit-ulit na paalala sa pag-iingat sa naturang sakit, regular din ang monitoring nila sa kalusugan  ng mga bata lalo na ang mga galing sa mga lugar na may kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *