Isa patay sa salpukan ng motorsiklo at hauler sa bayan ng basud

CAMARINES NORTE – Patay ang isang lalaki sa salpukan ng motorsiklo at hauler mag- aala una ng madaling araw ng linggo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Purok 2, Barangay Matnog, Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang nasawi na si Earl Lawrence Cabiles y Caspe, 19 taong gulang, residente ng P-3, Brgy Mambungalon, Mercedes parehong lalawigan na siyang driver ng motorsiklo.

Batay sa Police report, habang binabaybay ng motorsiklo ang kahabaan ng Maharlika Highway mula sa bayan ng  Daet ay aksidente itong nabangga ng kasalubong na hauler  minamaneho naman ni Froilan Cesar Vale, 29, residente ng Purok-9, Brgy. IV, Daet.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bahagyang nakain ng hauler ang linya ng motorsiklo.

Kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga driver ng mga sangkot na behikulo na isinugod pa sa ospital pero ideneklarang dead-on-arrival ang driver ng motorsiklo na si Cabiles.

Habang ang drayber naman ng hauler ay nagtamo lang ng minor injury.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Basud Municipal Police Station sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *