Isa sa mga OFWs na hinostage ng Hamas – nakabalik na ng bansa

Dumating na sa bansa bago mas alas onse ngayong umaga si Jimmy Pacheco, ang Pinoy OFW na hinostage at pinalaya ng Hamas Militants.

Sinalubong si Pacheco nina Department of Migrant Workers o DMW OIC Hans Leo Cacdac, OWWA Administrator Arnel Ignacio at iba pang opisyal ng pamahalaan sa NAIA terminal 1, sakay ito ng Philippine Airlines flight PR 659.

Una rin sa mga nag abang sa pagbabalik bansa ni Jimmy Pacheco ang kanyang asawa, mga anak at ang kanyang ina.

Sa maikling press conference, naikwento ni Jimmy ang kanyang naranasan, kasama dito kung papaano nya nasaksihan ang pagpatay sa kanyang amo.

Samantala sinabi din nito na willing pa rin syang bumalik sa Israel, sa kabila ito ng mga ipinangakong suporta sa kanya ng gobyerno ng Pilipinas at Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *