Isa sa tatlong residente ng Jose Panganiban na nagpositibo sa COVID-19 pumanaw na

CAMARINES NORTE- Pumanaw at inilibing na nitong martes ang isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 RT-PCR (Swab) Test sa bayan ng Jose Panganiban

Sa pamamagitan  ng isang opisyal na pahayag ay ipinaalam ni Mayor Ariel M. Non ang mga impormasyon kaugnay sa tatlong residente ng kanilang bayan ng nagpositibo sa COVID-19 na ang isa nga rito ay nasawi

Paliwanag ng alkalde, nauna ng bawian ng buhay ang isa sa mga nagpositibo bago pa man lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR (Swab)Test

Habang ng dalawang iba pa ay ay nakaconfine ngayon sa isang ospital upang sumailalim sa isolation at strict monitoring habang sila ay nagpapagaling.

Samantala, agad naman ipinagutos ng naturang Alkalde ang agarang pagsasagawa ng masusing contact tracing sa lahat ng mga posibleng nakasalamuha ng nasabing mga pasyente.

Ipinapaalala rin nito sa lahat na sumunod sa minimum health standards na ipinapatupad ng Lokal na Pamahalaan laban sa COVID-19

Ang 3 nagpositibo ay kabilang sa 44 na panibagong kaso na naitala sa Camarines Norte ng DOH Bicol sa ipinalabas na case bulletin report na may petsang May 24, 2021

(photo courtesy: PIO Jose Panganiban)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *