Isa, sugatan sa banggaan ng passenger vessel at barge sa Batangas

Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring banggaan ng isang Fastcat at barge sa bahagi ng San Agapito , Isla Verde sa Batangas kaninang madaling araw.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Arman Balilo, dahil sa banggaan, isang lalaking pasahero ng MV Fastcat M19 ang nagtamo ng sugat sa kanang itaas ng kanyang mata at labi.

Napag-alaman na may sakay na 47 crew at 41 na pasahero ang MV Fastcat M19, na umalis ng Batangas Port patungo sanang Calapan Port sa Oriental Mindoro.

Samantalang, may lulan 300 sako ng semebnto naman ang Barge Krizza Rica.

Umalis ito sa Calaca, Batangas at patungong Semirara Island sa Antique nang mangyari ang insidente.

Ligtas naman naibaba ang mga pasahero mula sa passenger boat habang agad na isinugod sa ospital ang nasagutang pasahero.

Dahil sa banggaan, nagkaroon ng pinsala ang Fastcat sa third deck passenger deck nito habang ang Barge naman ay nagkaroon ng gasgas sa port bow nito.

Wala naman nakitang oil spill ang PCG sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *