Isa, sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Maynila

Sugatan ang isang drayber ng kotse sa bahagi ng Quirino Avenue sa may kanto ng Plaza Dilao sa Maynila.

Ito ay matapos mayupi ang kanyang sasakyan at maging palaman ng dalawang dump truck.

Kaugnay nito, agad naman ding dinala ang sugatang drayber sa Ospital ng Maynila Medical Center (OOMC) at kasalukuyan pa rin itong isinasailalim sa obserbasyon.

Ayon sa awtoridad, nawalan umano ng preno ang drayber ng truck na siyang naging dahilan ng nasabing aksidente.

Samantala, maliban sa mga nasabing sasakyan ay nasama rin sa aksidente ang isang taxi at isa pang private vehicle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *