Isabelle Daza, isinilang ang kanyang ikalawang anak sa Hong Kong

Isinilang ng aktres na si Isabelle Daza ang kanyang ikalawang sangggol sa Hong Kong.

Sa magkahiwalay na Instagram post ay parehong ipinakilala nina Isabelle at ng asawa nito na si Adrien Semblat ang kanilang bagong sanggol na si baby Valentin.

Makikita sa IG posts ng dalawa ang mga litrato na kinuha mula sa kanilang instant film cameras.

Nakasulat ang petsang “April 9, 2021” at ang pangalan ng kanilang anak na si “Valentin” sa film photo.

Mababasa sa caption ng post ni Isabelle: “Valentin, we are so happy you exist,”

Samantala, ibinahagi rin ni Isabelle ang iba pang mga larawan nila ni Adrien kabilang na ang isa kung saan ay makikita na nasa labas sila ng Matilda International Hospital sa Hong Kong.

Matatandaan na ikinasal sina Isabelle at Adrien noong 2016, at noong April 2018 naman ay winelcome nila ang kanilang panganay na si Bathazar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *