Isang 3-anyos na bata sa Australia, nakulong sa isang Claw Machine dahil sa kakulitan?

Alam naman natin na natural sa mga chikiting ang masobrahan sa kulit lalo na kung sila ay nasa pook-pasyalan para maglaro at maglibang.

Pero nabigla ang lahat ng mga nakakita nang biglang makapasok sa loob ng isang claw machine ang isang 3-anyos na chikiting sa bansang Australia.

Laking-gulat nila at napatanong kung paanong nakapasok ang chikiting sa isang machine?

Kaya agad na tumawag sa mga otoridad ang mga nakakita sa bata parta marespondehan at mailabas ang bata sa loob ng machine.

Tumagal ng 10 hanggang 15 minuto ang bata sa loob na ayon sa pamunuan ng Mall, kauna-unahan itong insidente na nangyari sa kanila.

Para maalis ang bata sa loob kinakailangang basagin ng mga rumespondeng mga otoridad ang salamin na nakapalibot sa machine.

Dahil dito ligtas na nakuha ang bata at naibalik sa kanyang pamilya. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *