Isang aso naghintay sa labas ng ospital sa kanyang furparent na 1 taon nang namatay

Sinagip ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang isang aso na naghintay ng mahigit 1 taon sa labas ng isang hospital sa Caloocan City sa pag-aakalang nandoon pa ang kanyang furparent.

Binigyan ng petname na Morgan ang aso na ang kahulugan ay Philippine Hachiko dahil sa pagmamahal nito sa kanyang amo na hindi niya alam na namatay na pala sa ospital.

Kwento ng AKF, nagkaroon ng COVID-19 noong kalagitnaan ng 2022 at na-confine sa Calooacn hospital ang amo ni Morgan.

Nasa pangangalaga na ngayon ng AKF si Morgan at ito ay nasa edad 10-anyos na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *