Isang babae sa Pasay City, na-hostage

Na-hostage ang isang babae sa may bahagi ng EDSA-Taft Avenue sa Pasay City.

May hawak umanong kutsilyo ang suspek na lalaki na ginamit nito bilang armas sa pag-hostage sa babae.

Sinubukan namang makipagaregalo ng mga pulis sa suspek nang rumesponde ito sa lugar.

Ngunit ayon sa mga awtoridad, ang mga bystanders raw ang humila sa suspek at nailigtas ang biktima.

Ayon naman sa biktima, nanghihingi siya ng tulong sa mga pulis na dalhin siya sa ospital ngunit hindi siya pinaniniwalaan ng mga ito.

Agad ring kinuyog ng mga tao ang suspek, habang isinugod naman sa ospital ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *