Isang babae sa Peru, nakalunok ng pako habang kumakain ng chicharon

Mahilig ka ba sa chicharon at iba pang mga maiingay na pagkain? Ingat ka ha… Baka kasi magaya ka sa isang babae sa Peru.

Inoperahan ang isang babae matapos niyang ma-bother sa kanyang nararamdaman sa lalamunan. Ang pagkakaalam niya kasi, kumain lang siya ng chicharon.

Nagtungo sa EsSalud Hospital ang babae na si Celia Tello at napagalamang tumusok pala kasi ang isang pako sa maselang ugat nito sa lalamunan.

Clueless naman ang mga doctor (at kahit si Celia) kung paano napunta ang pako sa chicharon.

Sa huli, naalis naman ang pako sa kanyang lalamunan at lesson learned na sa kanya na i-check muna nang maigi ang mga kinakain.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *