Local News

Isang bagong art gallery sa Camarines Norte binuksan na

CAMARINES NORTE – Pinasinayahan na at pormal na binuksan sa publiko ang Korsakri Art Space, isang bagong art gallery dito sa Camarines Norte na naglalayong ipakita ang mga obra ng mga eskultor, pintor at iba pang mga mga alagad ng sining at makatulong sa paglago ng sining at kultura sa probinsya.

Bida sa exhibit ang iba’t-ibang mga obra ng mga alagad ng sining mula sa Rehiyong Bicol partikular na dito sa Camarines Norte.

Ang creative director ng nasabing gallery ay si Paolo Gerero, isang eskultor, pintor, at manunulat na may mga obrang nailimbag na sa mga aklat.

Karamihan sa kanyang mga gawa ay nagpapakita ng makabagong mga simbolo at pigura na nagpapahayag ng buhay ng tao.

Siya rin ay gumagawa ng mga obra na naayon sa tradisyon ng mga Katoliko.

Sa nakalap na inpormasyon ng Brigada news FM Daet maaring bisitahin ang art gallery sa Stall #9 Tanzo Complex F. Pimentel Avenue Daet, Camarines Norte, mula 2:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi mula Martes hanggang Linggo

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago