Isang bangkay ng bata, nahukay sa illegal na sementeryo sa Surigao Del Norte

Natuklasan sa isinagawang mass grave tag inspection sa isang illegal na sementeryo sa Surigao Del Norte ang isang bangkay ng bata na namatay noong 2021.

Ayon kay alyas “Dennis”, tatay ng nahukay na bata, namatay ito matapos umanong hindi payagan ni Jey Rence Quilario o “Senior Agila” na ipagamot ito sa lungsod.

Maalala, ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson, Senator Ronald Bato Dela Rosa isa sa layunin ng kanilang occular inspection ay ang maimbestigahan ang mga kaso ng rape, sexual abused, forced labor at child marriage sa ilang miyembro ng hinihinalang kultong Socorro Bayanihan Services Inc.(SBSI).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *