Isang Barangay sa Palawan, naka-alerto dahil sa van na nagmimilit daw magpasakay ng pasahero

Usap- usapan ngayon sa bayan ng Narra, Palawan ang tungkol sa kahina- hinalang pag-aalok di umano ng libreng sakay ng isang behikulo sa mga residente doon.

Dahil dito, naka-alerto ang Lokal na Pamahalaan ng Barangay Aramaywan sa Narra kasunod ng ulat na ito, ayon sa Punong Barangay na si Alonzo Eleazar.

Ayon sa opisyal, tatlong report ang nakarating sa kanya tungkol rito na kanya pang iniimbestigahan at nais niya rin makausap ang mga magulang ng mga batang sinasabing pinilit di umanong pasakayin kamakailan.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag dito ang Municipal Police Station ng Narra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *