Isang barangay sa Panganiban, Catanduanes isinailalim sa ECQ dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

BICOL— Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ sa loob ng 14 na araw ang barangay ng Sta. Ana sa bayan ng Panganiban, Catanduanes matapos na maitala ang magkakasunod at mataas na kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Ang naturang community lockdown ang napagkasunduang ipatupad ng alkalde ng bayan, Local IMT, LGU at ng Provincial Health Office.

Sa isinagawang emergency meeting ng mga nabanggit na concerned agencies, napagkasunduan na huwag na munang magpalabas at magpa pasok ng sinumang indibidwal sa nasabing barangay lalo na kung hindi naman essential o mahalaga ang sadya.

Maglalagay na din ng checkpoint ang PNP sa bawat dulo ng barangay liban sa mga national roads na sakop nito.

Samantala, ayon naman kay Catanduanes DOH Officer – Robert John Aquino, na isa sa mga dumalo sa pagpupulong, dapat aniyang mahigpit na mabantayan ang lagay ng mga nag positibong indibidwal lalo na ang mga may sintomas .

Sa ngayon, sampo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay habang may isa pang positibong kaso sa barangay naman ng Maculiw parehong bayan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *