Isang Board Member, hinihiling na paigtingin ang pagpapatrolya sa karagatang sakop ng Palawan

Isinusulong ni Board Member Ryan Maminta, ang resolusyon na humihiling sa Philippine Coast Guard at maging sa Philippine National Police Maritime na paigtingin ang pagpapatrolya sa karagatang sakop ng lalawigan ng Palawan.

Ito ay bunsod ng privilege speech ni Maminta sa isinagawang regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, ika-4 ng Oktubre 2022.

Nais umano ng lokal na mambabatas maprotektahan ang mga kababayang Palaweño, maging ng mga kababayang mga mangingisda upang magkaroon ng kapayaan sa isipan na mga ito na protektado sila ng pamahalaan sa paghahanap buhay sa West Philippine Sea.

Isa pang resolusyon ang isinulong sa konseho ni BM Maminta, na kung saan humihiling sa Department of National Defense na paigtingin ang presensya sa lugar para sa karagdagang proteksyon sa ating mga kababayan.

Kaya umano dalawang resolusyon ang isinulong nito dahil ang law enforcement agencies na PNP at Philippine Coast Guard ay may hiwalay na mandato sa Armed Forces of the Philippines na may kinalaman sa pagtataguyod ng ating soberanya at proteksyon sa ating teritoryo.

Matatandaan, naiulat sa Brigada News FM na nasaksihan ng mga mangingisda mula sa Barangay Bagong Bayan, Puerto Princesa City ang nasa 30 mga Chinese vessels na nagbubuhos ng mga bato sa karagatan malapit sa Spratly Islands.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *