Isang Botoleño na nagtapos ng Cum Laude kinilala ng BFAR Region 3

Kinilala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 ang isa sa mga benipisyaryo ng Fisheries Scholarship Program na nagtapos bilang Cum Laude.

Iginawad ng BFAR ang P20,000 kay Sherwin Domulot, 22 taong gulang na residente ng Botolan, Zambales.

Nakapagtapos bilang Cum Laude ng Bachelor of Science in Fisheries si Domulot dahilan upang mapagkalooban siya ng parangal alinsunod sa Fisheries Scholarship Program (FSP) Guidelines.

Isa lamang umano si Domulot sa anim na mga nagtapos ng B.S. Fisheries sa Central Luzon State University bilang Cum Laude.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Bfar Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *