Isang brand ng canned tuna, pinatanggal sa ipinadalang food packs sa Batanes

Ipinag-utos ni Batanes Governor Marilou Cayco na tanggalin ang isang brand ng canned tuna mula sa mga family food packs ng DSWD dahil sa reklamo ng mga nakatanggap nito sa Mindoro.

Sinabi ni Cayco na ang partikular na de-latang tuna na nakatakdang mag-expire sa 2025 , ay iniutos na tanggalin ng national government  at nakatakdang palitan ng ibang brand.

Ngunit ang pampalit sa mga ito ay problema ngayon dahil wala pang barkong makadaong sa lalawigan.

Samantala, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang kahandaan sa bagyo.

Mayroong humigit-kumulang 6,000 food packs ang inihanda kasama ang non-food family packs na kinabibilangan ng hygiene kits, cooking materials, at sleeping gear para sa mga maaapektuhan ni bagyong Betty.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *