Isang buwang libreng gamot para sa mga may hypertension sa  City Hall, inilarga

NAGA CITY –Maraming mga empleyado sa LGU-Naga ang nakakaranas ng hypertension o pagkakaroon ng high blood pressure at pagkakaroon din ng mataas na blood sugar nasa posibleng mauwi sa pagiging diabetic kung hindi agad maagapan ng gamot o mag maintenance.

Nakumpirma ito sa ginagawang medical outreach program sa City Hall na kung saan mismong mga empleyado ang isinasailaim sa medical check-up, sa laboratory examination at maging sa dental.

Binanggit ni City Administrator Elmer Baldemoro na kung may riseta na ang may sakit na empleyado, agad itong binibigyan ng gamot at iyong may maintenance na may isang buwan na libreng gamot .

Anya’y ang pagiging high blood at pagtaas ng blood sugar ng empleyado ay hindi naiiwasan lalo na kung stress ito at maraming ginagawang trabaho.

Hanggang ngayong araw na Biyernes na lamang ang medical outreach program na ito sa kanilang mga empleyado na ginagawa sa city hall.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *