Isang buwang supply ng maintenance medicine handang ibigay ng City Health Office sa mga Senior Citizens ng Naga City

NAGA CITY – Nakahanda ang City Health Office na ibigay ang mga maintenance medicine ng mga senior citizens ng Naga City bilang supply sa loob ng isang buwan basta magdala lamang ang mga ito ng reseta para tiyak na mabigyan.

Ito ang paniniyak ni Magno Reyes, registered nurse ng city health office kaugnay sa mga hinaing na kulang ng supply ng mga gamot na ito sa mga barangay health center, lalo na ngayong matindi ang init at maraming mga lolo at lola ang inaatake ng kanilang high blood pressure o hypertension.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Reyes, sinabi nitong dati ay pang dalawang buwan ang supply ng mga gamot para sa mga ito, subalit nang ipasa na ng  Department of Health sa LGU –Naga ang pagbili ay nalimitahan dahil sa limitado rin ang pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *