Isang buwang uninterrupted break ng mga guro dapat ding maintidihan ng mga magulang- DepEd Iriga

CAMARINES SUR- 30-day uninterrupted break ang ibibigay sa mga guro sa Hunyo, ang bagay na ito ay dapat ding maintindihan ng mga magulang ayon sa Department of Education Iriga City Division.

Ayon kay Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman malinaw sa Department Order 003 ng Central Office na hindi dapat bigyan ng mga gawain ang mga guro sa buong Hunyo, wala ring mga seminars. Aniya unang beses itong mangyayari dahil dati kahit bakasyon kung may sadya sa guro tulad sa grades ay naoobliga ang guro na pumunta sa paaralan. Dagdag na halimbawa kung may mga datus na hinihingi sa paaralan at ang record ay nasa guro o guro ang nakakaalam. Dahil sa polisiyang ito kailangan mapag-aralan ang adjustment.

Ang mga magulang aniya ay dapat din itong maintindihan upang magabayan at matulungan ang mga anak sa mga kailangan isumite bago ang bakasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *