Isang centenarian sa Chicago, walang pigil sa pag-skydive para sa kaniyang pangarap na maging oldest skydiver

“Live your life to the fullest!”

Iyan ang mga katagang naglalarawan sa katapangan na ipinamalas ng isang centenarian sa Chicago.

Ito’y sa kadahilanang sa kabila ng edad na 104 na taong gulang, walang takot na hinarap ni Dorothy Hoffner ang kaniyang pangarap na mapabilang sa Guinnes Book World of Records bilang pinakamatandang taong nag-iiskydive.

Nakipag-tandem nga si Hoffner sa Northern Illinnois  at dito na din siya sinalubong ng palakpakan ng kaniyang mga kaibigan at kamag-anak nang siya’y lumapag mula sa 13, 500- foot tandem jump sa Skydive Chicago Airport.

Ikinagulat rin ito ng mga taong nakakakilala kay Hoffner dahil sa tuwing ito’y maglalakad ay kinakailangan na nito ng walker.

Ngunit, natutuhan lamang ni Hoffner ang pagskydive nang siya ay nasa 100 taong gulang na.

Sa ngayon, dahil nga nakahiligan na ni Hoffner ang skydiving, tila hindi niya na palalampasin ang pagkakataong makuha ang titulo bilang “Oldest Person in the World to Ever Skydive” at kung sakali ay matatalo niya ang kasalukuyang may hawak ng titulo kung saan, ito ang 103-anyos na si Linnea Ingegard Larsson ng Sweden.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *