Isang COVID- 19 positive sa Basud nakapanghawa ng 7 katao

CAMARINES NORTE- Pito katao ang nahawa ng isang COVID- 19 positive sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan nitong Huwebes pito sa close contact ni Bicol No 12930 mula sa Barangay Poblacion 2 ay tinamaan ng COVID- 19.

Ang mga ito ay sina Bicol No 14120, 31 anyos na lalake, Bicol No 14121 17 anyos na lalake, Bicol No 14122, 26 anyos na babae, Bicol No 14123, 7 taong gulang na babae, Bicol No 14124 26 anyos na babae, Bicol No 14125 isang taong gulang na batang lalake at Bicol No 14139 25 anyos na lalake.

Lahat, maliban sa isang taong gulang na batang lalake ay mayroong sintomas.

Kahapon ay muli ring nakapagtala ng dalawa pang bagong kaso ng sakit sa naturang bayan na mula naman sa Barangay Poblacion 1.

Ito ay sina Bicol No 14307, 18 anyos na babae at si Bicol No 14308 na isang 51 anyos na babae.

Ang dalawa ay kapwa close contact ng COVID positive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *