Isang endangered na pawikan, natagpuang patay sa Guinayangan, Quezon

Wala ng buhay ng matagpuan ang isang pawikan sa baybaying dagat na sakop ng Barangay Manggagawa, Guinayangan, Quezon nitong Martes, Marso 12.

Ayon kay Joel Fabricante, Agriculture Technologist ang natagpuang pawikan ay isang endangered species ng hawksbill at mahigpit na ipinagbabawal ang pag aalaga at panghuhuli nito.

Samantala, may sukat na 79cm ang haba ng carapace ng pawikan at 69cm naman ang lawak ng carapace nito at nasa decomposition state na ito kaya agaran na ring inilibing ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *