Isang grupo, gustong paimbestigahan sa NBI ang umano’y engkwentro sa Bohol

Gustong paimbestigahan ng isang grupong Karapatan sa National Bureau of Investigation ang pagkamatay ng isang abogado sa umano’y engkwentro sa Bilar, Bohol.

Giit nila may foul play umano sa nangyaring pagpatay kay Atty. Hannah Jay Cesista.

Sinabi naman ng mga militar na kasama si Atty. Hannah sa ka-engkwentro nila.

Ayon sa grupong Karapatan, buhay ng inaresto ng mga otoridad ang abogada at kasamahan nito.

Sagot naman ng mga pulis at sundalo na isa lamang propaganda ang alegasyong pinatay ang grupo nina Atty. Hannah.

Handa rin silang harapin at ipaliwanang ang nangyari sakaling gawin ang imbestigasyon.

Bago ito – una nang idiniin ng PNP na lehitimo ang kanilang operasyon sa Bohol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *