Isang infirmary sa Naga City, ginawa muling COVID-Treatment facility matapos mapuno ang BMC- Covid ward

NAGA CITY- Converted na muli sa COVID-19 Treatment Facility ang Our Lady of Lourdes Infirmary (OLLI) sa Barangay  Carolina, Naga City matapos na mapuno ang COVID ward ng Bicol Medical Center o BMC.

Bukod dito isolation and treatment facility din ang City College of Naga sa Almeda Highway. Ang mga may sadya sa infirmary ay maaari munang tumungo sa Naga City Hospital sa Barangay Pe├▒afrancia.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Events Protocol and Public Information (CEPPO) Chief at Health Emergency Response Task Force (HERTF) member Allen Reondanga, sinabing noong nagdaang linggo , nag-abiso na ang BMC pati ilang pribadong ospital. Kaya naman dinagdagan na ng City ang mga oxygen facilities.

Sa ngayon umabot na sa 2,113 ang cumulative COVID-Cases sa Naga City, 34 dito ang nadagdag kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *