Isang kagawad at tatlong iba pa, hinihinalang nasawi dahil sa gas poisoning

Patay ang isang opisyal ng barangay at tatlong iba pa dahil umano sa gas poisoning matapos maghukay sa Barangay Magsaysay Hill, Bambang, Nueva Vizcaya.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Bambang Police Station na binalikan umano ng tatlo sa mga biktima ang hinuhukay na lupa sa bakuran ng isang residente sa kanilang barangay kung saan mayroon itong lalim na sampung metro.

Sa puntong iyon ay nakarinig ang mga residente ng boses na humihingi ng saklolo dahilan upang rumesponde ang isang kagawad at tinulungan ang mga biktima subalit maging siya ay na-trap din sa hukay.

Isa pang residente ang sinubukang tulungan ang mga biktima gamit ang isang lubid na itinali nito sa kaniyang beywang ngunit nang makalahati ang hukay ay nakalanghap na ito ng gas at maswerte namang naiangat ito bago mawalan ng malay.

Naingat na lamang ang bangkay ng mga biktima nang magsagawa ng retrieval operation ang mga awtoridad at batay rin sa kanilang pagsusuri ay methane gas ang nalanghap ng mga biktima.

Ang nasabing hukay ay gagamitin umanong water resource dahil sa kakulangan sa tubig sa lugar.|#BrigadaNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *