Isang konduktor, naiwan ng bus

Masakit isipin na bilang commuter ay maiwan tayo ng bus. Lalo na kapag late na tayo sa ating trabaho o pasok sa eskwelahan.

Ngunit ano naman kayang mararamdaman ng driver kapag ang konduktor niya ang naiwan nito?

Yan kasi ang nangyari sa isang konduktor ng bus papuntang Zambales.

Kukunin lang raw kasi sana nito ang mga bagahe ng mga pasahero sa compartment ng bus nang biglang umalis ang driver kahit hindi pa nakakaakyat ang konduktor.

Kitang kita sa mga larawan na hindi mapinta ang badtrip ng konduktor sa nangyari.

Hinabol naman daw ng isang naka-motor ang bus upang sabihin na balikan ang naiwang konduktor.

Makalipas ang 4-5 na minuto, bumalik ang bus para sunduin ulit ang naiwang konduktor at napakamot na lang ang driver sabay tawa.

Ayon naman sa mga pasahero, baka dulot lang ng pagod kaya nangyari ito.

Dito mo masasabi na kapag mahal mo, babalikan mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *