Isang kumpanya sa New York City, naghahanap ng kakasa sa kanilang “no-smartphone challenge” sa loob ng isang buwan

Sa panahon ngayon na halos lahat na ng tao ay may sariling pag-aaring smartphone, bihira na yata na makakita ka ng isang taong walang cellphone.

Kahit mga buliliit ay bihasa na rin sa paggamit ng naturang gadget, pero ang isang malaking tanong na mahirap masagot: Kaya mo bang hindi mag-cellphone sa loob ng isang buwan?

Mabubuhay ka kaya?

Sa pagpasok ng baging taon, may isang kumpanya sa New York City na Siggi’s yogurt, kung saan hinamon ang lahat ng interesado na huwag munang gumamit ng cellphone sa loob ng isang buwan.

Kakasa ka ba?

Kakayanin mo kaya lalo na kung malalaman mo ang premyo na tumatagingting sa $10,000 o PHP 565, 845.78.

Ang puwede lamang sumali ay ang mga  edad 18-anyos pataas, at kailangan lang magsumite ng mga kinakailang requirements bago ang huling araw ng buwan ng Enero ngayong taon.

Bukod sa pera matatanggap ng 10 mananalo ang tumatagingting na pera at smartphone lockbox, a flip phone, one-month prepaid sim card ng flip phone at tatlong buwang supply ng Siggi’s yogurt. #### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *