Isang lalake sa Amerika tumawag sa 911 para magpabati ng Happy Birthday

Kakaibang 911 emergency call ang ginawa ng isang lalake sa Boston sa Amerika.

Tumawag lang naman kasi Chris sa 911 para may bumati sa kanyang 25th birthday.

Sineryoso naman ng mga pulis ang birthday wish ni Chris.

Kwento ng pulis akala nila noong una prank call lang ito kaya vinerify muna nila kung birthday talaga ni Chris at ng masigurong tama ang impormasyon agad silang pumunta sa bahay ng caller para i-surprice ito.

Dinalhan ng mga pulis si Chris ng mini cake at kinantahan din ng Happy Birthday.

Ayon kay Chris sa simpleng surpresa at ngiti ng mga pulis naging masaya na ang kanyang kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *