Isang lalaki nagpanggap na manikin para makapagnakaw

Nahuli ang isang 22-anyos na lalaki matapos na matyempuhan na nagnakaw ng alahas sa isang shopping center sa Warsaw, Poland.

Ang suspek ay nagpapanggap umanong mannequin para makapagnakaw sa nasabing tindahan.

Ayon sa mga otoridad, pumapasok sa mga tindahan ng mga damit ang suspek upang magsuot ng panibagong damit at tyaka ito tumayo sa harap ng bintana na tila mannequin.

Paraan umano ito ng suspek upang linlangin ang mga guwardiya at surveillance cameras.

Matapos magsara ang shopping center, nakuha ng lalaki ang alahas na naka-display sa isang stand.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *