Isang lalaki, pinagbabaril ng hindi pa natutukoy na mga suspek sa Candelaria, Quezon

Isang lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa natutukoy na mga suspek sa Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon nitong umaga ng Miyerkules, Enero 17.

Ayon sa inisyal na report, nakatayo noon sa harapan ng isang motorshop ang 40-anyos na lalaking biktima nang dumating ang mga suspek saka pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya isinugod ito ng mga kaanak sa hospital.

Sa huling ulat ng QPPO, sumasailalim pa umano sa gamutan ang nasabing biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *