Isang lalaki sa India bigong ma-divorce sa kanyang 82-anyos na misis

Bigong ma-divorce ang isang lalaki sa India na nangangalang Nirmal Singh Panesar, 89-anyos.

Ikinasal siya noong 1963 sa kanyang asawang si Paramjit Kaur Panesar, 82-anyos na isang retired teacher.

Umabot na sa 40 taon na hindi sila nagsasama.

 Hanggang umabot sa ponto na gusto na niyang makipaghiwalayan sa kanyang misis.

Dahil sa kakahintay na pumabor sa kaniya ang tadhana umabot na sa 27 taon ang kaniyang paghihintay para ma-divorce sa kanyang misis.

Hindi pagkakaintindihan  sa isa’t-isa ang isa sa mga rason kung bakit gusto ni Nirmal na matapos na ang kaniyang ugnayan sa kabila ng kagustuhan ng babae na manatiling sagrado ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Pero nito lang October ngayong taon, hindi pinaboran ng korte sa kanilang bansa ang kahilingang makalaya sa isat-isa kahit 40 taon nang hindi sila nagsasama. #### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *