Isang lugar sa Canada, nagdeklara ng local emergency dahil sa wildfire

Nagdeklara ng state of local emergency ang eastern Regional Municipality of Halifax sa Canada dahil sa wildfire na nagdulot ng pagkawala ng kuryente at paglikas ng mga residente sa lugar.

Sa ulat ng mga awtoridad, magkakaroon ng bisa ang state of emergency sa loob ng pitong araw, maliban kung tatanggalin o palalawigin.

Wala pang naiuulat na injuries mula sa sunog at inilarawan itong “not under control.”

Patuloy naman sinisikap ng mga emergency responders na hindi na kumalat pa sa katabing lugar ang malawakang sunog.

Nauna nang nagdeklara ng Provincial state of emergency ang lalawigan ng Alberta matapos na libu-libong katao ang sapilitang lumikas sa kanilang tahanan dahil din sa isang malaking out-of-control wildfire.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *