Isang mall sa Divisoria, nagkagulo dahil sa bomb scare

Nag-panic ang mga mamimili sa Divisoria matapos sumigaw ang isang lalaki na may bomba sa loob ng mall kasunod ng malakas na pagsabog.

Nakatanggap ang Manila Police District ng tawag mula sa isang lalaki na may bomb threat umano sa food court ng 168 Shopping Mall partikular na sa ikatlong palapag.

Pagkatapos ng malalimang pagsusuri sa establisyemento, idineklara ng MPD na ‘false alarm’ dahil walang nakitang bomba o hazardous materials sa lugar.

Nagbabala ang naturang istasyon sa publiko na mabigat ang parusa sa fake bomb threats.

PHOTO COURTESY: screenshot from Mimay Grenien Blanco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *