Isang mambabatas, magsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y signature campaign

Posibleng mapawalang-saysay ang mga pirma sa petisyon para sa people’s initiative na nagsusulong ng charter change.

Ayon kay Rep. France Castro may ilang na ngangalap ng pirma kapalit ang regalo noong pasko at ang iba ay napangakuan ng ayudad.

Sinabi pa ni Castro na pati ang mga PWD ay pinapapirma na rin.

Mungkahi naman ni Rep. Edcel Lagman na pwedeng dahilhin ang kaso sa  Commission on Elections at sa Korte Suprema.

Nilinaw naman ni Comelec Chairman George Garcia na hindi vote buying ang nasabing signature campaign pero pwedeng pa ring imbestigahan ng kanyang tanggapan lalo na’t ginaganamit ang pera ng bayan.

Sinabi pa ni Garcia na magiging mabusisi rin sila para eberipika ang mga nasabing petisyon na maaaring ibangga sa voters registration.

Giniit naman ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na maaaring kasuhan sa Ombudsman ang opisyal ng pamahalaan na gumagamit sa pondo ng bayan para isulong ang cha-cha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *