Isang minero arestado sa ikinasang search warrant operation ng PNP sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang minero bandang 10:15 ng gabi nitong Agosto 23, 2021 sa Purok-4, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ito’y matapos makumpiskahan ng iligal na droga sa mismong tahanan nito sa implementasyon ng Search Warrant operation  na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng mga  otoridad

Ang suspek ay nakilalang si RAYMUNDO OCAYA y Balbalosa aka “Raymund Ocaya”, 28 anyos, may kinakasama, isang minero at residente ng nabanggit na lugar.

Sa isinagawang paghalughog ng mga operatiba sa tahanan nito, nakuha ang isang backpack na may nakapaloob na bond paper na naglalaman ng dalawang (2) pirasong katamtamang laki ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu.

Tinatayang umaabot sa 1.5 gramo ang nakumpiskang iligal na droga sa tahanan ng suspek na nagkakahalaga ng Sampung Libo at Dalawang Daang Piso (Php 10,200.00).

Samantala, inihahanda na ng mga  tauhan ng Jose Panganiban MPS ang kasong paglabag sa Section 11 Article II ng RA 9165 o “Comprehensive. Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *