Isang Minero na kabilang sa listahan ng Street Level Individual (SLI) ng PNP, arestado

CAMARINES NORTE- Isang lalaki na kabilang sa listahan ng Street Level Individual (SLI) ng PNP ang naaresto ng pinagsanib pwersa ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation alas 9:15 ng gabi, nitong Hunyo 4, 2021 sa Purok 4, Brgy. Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Ang suspek  kinilalang si MARK CLENT NACION y Cabate, 37 anyos at residente ng Purok Camagong, Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte. 

Nakuha sa nasabing  operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

•   Isang (1) piraso ng katamtamang pakete ng hinihinalang “shabu” na nakabalot sa papel  (buy-bust illegal drug item);

•   Isang (1) Limang Daang Piso (Php 500.00) na may serial number Y736043 (buy-bust money),

•  Isang (1) maliit na pakete hinihinalang “shabu”;

•  Isang (1) pirasong brown na pitaka at labindalwang (12) piraso ng limang daang piso (Php500.00) na boodle money.

Samantala ang mga nakuhang iligal na droga ay umaabot sa humigit kumulang Pitong Libo at Limang Daang Piso (Php 7,500.00) ang halaga at tinatayang may timbang na humigit kumulang sa isang (1) gramo.

Kasong paglabag naman sa Sections 5 at 11 Article II ng RA 9165 ang inihahanda ng mga tauhan ng Talisay MPS laban sa supek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *