Isang miyembro at apat na supporter ng NPA, sumuko sa pamahalaan

Kusang sumuko sa pamahalaan ang isang regular na miyembro ng NPA at apay na tagasuporta sa probinsya ng Cagayan.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, unang sumuko ang dating regular na miyembro ng NPA mula sa Lasam na unang pumasok sa kilusan taong 1994 at napagpasyahang kumalas dahil nakaranas umano ito ng paghihirap.

Boluntaryo ring sumuko ang apat na supporter mula sa Sto. Nino, Sanchez Mira, Sta. Teresita at Amulung kung saan sila umano ang nagsisilbing mata ng kilusan upang mabantayan ang kilos ng pamahalaan.

Bukod dito, mayroon ding nagsilbing supplier ng pagkain at medical supplies kapalit ang pangakong financial support subalit hindi natupad.

Pagkatapos ng debriefing ay bumalik rin ang mga ito sa kanilang mga tahanan upang makasama ang kanilang pamilya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *