Isang Nissan pick- up, bumangga sa nakaparadang van

Sugatan nang isugod sa pagamutan ang drayber ng Nissan Pick- up nang mabangga nito ang nakaparadang shuttle van bandang alas-onse kagabi sa National Highway ng Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Kinilala ng PNP ang drayber ng Pick- up na si Domingo Luzano Gacula 64 anyos ng barangay Tiniguiban, Puerto Princesa.

Sa imbestigasyon ng Police Station 1, napag-alaman na nakaparada lamang sa kanang bahagi ng highway ang van na minamaneho ni Danny Padul Abad, 46 anyos nang bumangga rito ang pick up mula sa Barangay Taburos.

Kinilala ang mga sakay ng van na sina Wilfredo Lavega Acosta, Stiphaney Y Matriano, Prencess Zaira A Gallardo , Rhian A Arcsna at si Racey A Arcena.

Nagtamo ng mga galos ang drayber ng van na agad inalalayan ng Kilos Agad Action Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *