Isang NPA na nagbalik-loob sa gobyerno, isinalaysay ang pagtalikod sa makakaliwang grupo

LEGAZPI CITY – Walong taon na ang nakakalipas nang sumuko sa gobyerno si Ka Rolex bilang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) noong 2014.

Sa salaysay nito sa harap ng indignation rally laban sa CPP-NPA, sinasabi niyang puro kasinungalingan ang ginagawa ng rebeldeng grupo para sa pakikibaka laban sa gobyerno.

Aniya, lahat ng kanilang sinasabi ay isa lamang na propaganda upang makapaghikayat ng mga kabataan at mapalakas ang pwersa ng communist terrorist group (CTG).

Dito rin niya umano nasaksakihan ang kasinungalingan na inakala nito na mababago ang buhay ng mga mamamayan.

Maging ang mga simpleng magsasaka ay hihingian ng mga ito ng palay o tirser, “baliktad” kung ito ay tawagin.

Sinabi pa nito, sa loob ng 53 taong pakikipaglaban sa gobyerno ay hindi nito nagawang magtagumpay.

Dahil dito, isang kayabangan umano at panloloko sa mga mamamayan ang ginagawa ng NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *