Isang Olongapo BFP personnel kabilang sa 63 firefighter-nurses na pinadala ng DILG sa NCR hospital

OLONGAPO- Kabilang ang isang tauhan ng Bureau of Fire Protection Olongapo sa ipinadala ng Department of Interior and Local Government sa National Capital Region hospitals.

Ito ay para magsilbing karagdagang medical workforce sa Manila habang nahaharap pa rin ang bansa sa pandemya.

Ayon sa BFP Olongapo, ang personnel na kasama sa augmentation ay si FO1 Maryknoll Pascua.

Matatandaan na nagpadala ng 63 firefighter-nurses ang DILG sa NCR hospital bilang karagdagang pwersa para makapagbigay ng serbisyong medical.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng Department of Health ng karagdagang health workers para maging katuwang sa paglaban sa covid-19 cases lalo na sa NCR.

Ang mga ipinadalang firefighter-nurses ay magsisilbi sa labindalawang pagamutan sa loob ng tatlong buwan.

Pinuri naman ng BFP si Pascua sa pagtugon nito sa tawag ng tungkulin ngayong panahon ng pandemya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of fruit and text that says 'ASCORBIC ACID Ascorbate) GUARD-C SHOP NOW! Lazada "Keep being Healthy you. ASCORBIC ACID (as CaA) Ascorbate) GUARD-C VIT~'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *