Isang paaralan sa Makati, nakapasok sa PISA 2022

Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na isang public school lamang sa National Capital Region (NCR) ang nakakuha ng above the minimum proficiency level para sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 global comprehension survey.

Ayon kay DepED NCR director Jocelyn Andaya, tanging ang Benigno S. Aquino High School lamang sa Makati ang nakalusot sa lahat ng public schools sa Metro Manila.

Bukod sa nabanggit na pampublikong paaralan, lima naman ang nakapasa sa pribadong paaralan.

Nabatid na 21 ang kabuoang bilang ng mga public schools na nakiisa sa comprehension survey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *