Isang pamilya sa brgy. Villa Flor, napiling benepisaryo ng pabahay sa barangay ng PNP Cauayan City

Napiling benepisaryo ng Cauayan City Police Station ang pamilya ni Mr. Michael Padilla ng Villa Flor Cauayan City sa proyektong Pabahay sa Barangay o PRO2 Barangayanihan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan City, sa ilalim ng nasabing proyekto ay nakipag-ugnayan ang istasyon sa kapitan ng Brgy. Villa Flor upang suriin ang kabarangay nito na higit na nangangailangan o maikokonsiderang kabilang sa poorest of the poor.

Aniya, napili ng Kapitan ang pamilya ni G. Padilla kung saan nagtungo rin ang kawani ng PNP Cauayan upang magsagawa ng inspeksiyon at pumasa naman ito sa kwalipikasyon ng himpilan.

Sa ngayon ay kasalukuyan na ang konstruksyon sa bahay ng nasabing pamilya kung saan ang pondo rito ay mula sa PNP Cauayan City, LGU Cauayan at stakeholders katuwang ang 2nd IPMFC.

Samantala, dagdag pa ni PLt. Topinio, nagsagawa na rin ang PNP Cauayan City ng inspeksyon sa isa pang papatayuan ng bahay sa isang barangay sa lunsod kung saan inaasahang sisimulan ang konstruksyon sa unang linggo ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *