Isang pasahero, iniwan ng rider bago pa man makasakay

Kung ang ibang pasahero ng mga ride hailing apps ay nakakalimot na ibalik ang helmet sa kanilang mga rider, ibahin mo itong experience sa isang viral video.

Nang mag-book kasi ang isang isang call center agent, natawa na lamang siya sa kanyang naranasan.

Dahil hindi pa man siya nakakasakay, humarurot agad ang binook niyang rider kaya siya nito naiwan.

Nagulat na lamang siya sa nangyari at natawa na lang dahil suot pa rin niya ang helmet kahit wala na ang motor.

Agad niya rin namang minessage ang rider at bumalik naman ang rider.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *