Isang Pilipino – dinakip ‘di umano ng Hamas ayon sa isang Filipino community leader sa Israel

Kinumpirma ng lider ng isang Filipino community sa Israel na isa umanong Pilipino ang dinakip ng Hamas.

Sa isang panayam, sinabi ni Lordes Levi na tinangay umano ng armadong grupo ang isang Filipino doon matapos ang isinagawa nilang surprise attack sa lugar.

Mayroon din umanong tatlong mga nasugatan sa pag-atake, at apat pang mga hindi nakikita.

Sa kabila nito – nananatili pa ring walang kumpirmasyon ang Embassy sa Israel.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nananatili sa lima ang bilang ng mga Pilipinong unaccounted dahil sa pag-atake.

Kinumpirma rin niyang mayroong isang Pilipinong nasugatan at na-rescue na matapos ang pag-atake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *