Isang pulis at kapatid nito, patay sa aksidente

Patay ang isang pulis at kapatid nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang forward truck  sa Barangay Cabaggan, Pamplona Cagayan  noong ika-31 ng Marso taong kasalukuyan.

Kinilala ang mga biktima na sina  Patrolman  Mario Martinez, 28-anyos, nakadestino sa Regional Mobile Force Batallion 2,  at kapatid nito na  si Mark Anthony Martinez, 30-anyos, construction worker na pawang residente ng  Brgy. Centro 4, Claveria, Cagayan habang ang drayber naman ng forward truck ay si  Rodolfo Mamauad, 54 anyos, at residente ng Brgy. Binalan, Aparri, Cagayan.

Sa imbestigasyon ng PNP Pamplona,  galing ang  magkapatid sa bayan ng Claveria  at  binabagtas  ang  pambansang lansangan sa Brgy. Cabaggan  nang mawalan ng kontrol si Patrolman Martinez sa kanyang minamanehong motorsiklo at napunta sa kasalungat na linya ng kalsada dahilan upang masalpok ng paparating na forward truck.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at katawan ang mga biktima  na agad namang  naisugod sa pagamutan  subalit  idineklarang Dead on Arrival ng sumuring doktor.

Nagkausap na ang magkabilang panig  at nagkasundo sa pamamagitan ng amicable settlement at hindi na magsasampa ng kaso laban sa driver ng forward truck.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *