Isang pulis sa Baguio City, patay nang aksidente umanong mabaril ang sarili

Binawian ng buhay ang isang pulis sa Baguio City nang aksidente umano nitong mabaril ang kanyang sarili habang nililinis ang kanyang service firearm kagabi.

Sa pahayag na inilabas ng Baguio City Police Office ngayong araw, sinabi nilang base sa isinagawang imbestigasyon walang foul play sa insidente.

Ang biktima ay isang Patrolman at nakatalaga sa Baguio City Police Office-Station 7.

Nagpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng biktima si BCPO chief Police Col. Francsco Bulwayan Jr at sinabing isang ‘tragic incident’ ang nangyari.

Binigyang-diin ni Bulwayan ang kahalagahan ng pagsunod sa safety principles sa issued firearms ng mga pulis upang maiwasan ang ganitong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *